NAGA CITY- Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit kumulang P83,000 na halaga ng shabu sa isang suspek sa isinagawang buy bust operation sa Tiaong, Quezon.

Kinilala ang suspek na si Benito Bernabe Torno Jr., 42-anyos, residente ng Villa Consolacion Subd., Barangay Lusacan sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakabili ang umaktong poseur buyer sa suspek ng isang heat-sealed transparent plastic sachet ng pinagbabawal na gamot.

Maliban sa buy-bust item, nakumpiska pa sa suspek ang siyam na pakete ng shabu na may bigat na nasa 4.10 grams at nagkakahalaga ng P83,640.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.