NAGA CITY – Kumpiskado ang mahigit P89-K na halaga ng iligal na droga sa isang supek sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Masalukot 1, Candelaria, Quezon.
Kinilala ang suspek na si Reynaldo Valle Casapao alyas Mata/Chua, 40-anyos, residente ng nasabing lugar.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ng pinaniniwalang shabu ang nagpanggap na posuer buyer sa suspek gamit ang P500.00 bilang buybust money.
Samantala, maliban sa buy bust item, nakumpiska pa sa suspek ang dalawa pang piraso ng pinagbabawal na gamot na nasa 4.4 grams at nagkakahalaga ng humigit kumulang P89,760.00.
Advertisement
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.
Advertisement