NAGA CITY – Mahigit sa P200,000 na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isinagawang buy bust operation sa Gumaca Quezon.

Kinilala ang suspek na si Hector Calvelo, 42-anyos, residente ng Purok 3, Barangay Camohaguin sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na nkumpiska sa suspek ang 15 sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na ang nasabing mga iligal na droga ang nagkakahalaga ng P204,000.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon.