NAGA CITY – Aabot na sa 258,383 ang bilang ng mga nagparehistro sa isinasagawang early registration ng Department of Education(DepEd)-Bicol sa school year 2021-2022.
Sa datos ng Deped-Bicol napag-alaman na sa nasabing bilang 128,009 dito ang lalaki habang 130,374 an mga babae.
Kaugnay nito, mula sa 3,740 na mga paaralan sa rehiyon, 57,415 dito ang nakapag enroll na sa Kindergarten, 93,135 naman sa Grade 1 at 54,858 sa Grade 7 habang 52,975 din ang mula sa Grade 11 o junior high school.
Sa kabila nito, patuloy ding hinihimok ng naturang ahensya ang lahat ng paaralan at mga magulang na kunin ang opportunidad na maagang makapagparehistro para sa mga mag aaral.
Hinihikayat din ng ahensya ang mga paaralan na sundin ang remote application sa pamamagitan ng online o text para maiwasan ang mga face to face activity.
Sa ngayon maaari rin umanong magpasa na lamang ng form sa mga drop box ng ahensya lalo na sa mga lugar o barangay na nakasailalim pa rin giraray sa General Community Quarantin (GCQ), Modified Community Quarantine (MECQ) at Enhanced Community Quarantine (ECQ).