NAGA CITY – Arestado ang dalawang suspek matapos na makuhanan ng pinaniniwalaang shabu sa isinagawang Search Warrant sa Gumaca, Quezon

Kinilala ang mga suspek na sina Rajel Watiwat Dialo, 38-anyos at Rommel Watiwat Dialo, 32-anyos, kapawa mga residente ng Purok San Juan Barangay Gitnang Bario sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na una na umanong nakatanggap ng report ang mga otoridad hinggil sa pagkakasangkot ng naturang mga suspek sa iligal na gawain.

Samantala, sa naturang operasyon ng mga otoridad, nakumpiska kina Rajel at Rommel ang 12 piraso ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P20,400 gayundin ang mga drug paraphernalia.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang naturang mga suspek habang inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga ito.