NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos pagsasaksakin sa Brgy. Sta Cecilia, Tagkawayan Quezon.

Kinilala ang biktima na si Jayson Amande, residente ng Bgy. Poblacion, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag alaman na pumunta si Amande sa inuupahang bahay ng suspek na si Jubiton Tubongbanua Obniala kung saan dito na ang mga ito nagkaroon ng mainit na pagtatalo na nagresulta para saksakin ni Obniala si Amande.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad nabatid na nagtamo ng dalawang tama ng saksak sa likod si Amande na agad namang dinala sa ospital para sa asistensya medikal.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.