NAGA CITY- Malakas na palakpakan at sigawan ang sumalubong kay VP Leni paglabas nito sa kanyang presinto sa Magarao, CamSur matapos na makaboto bandang alas-11:25 ng tanghali kanina.
Maalala na bandang alas-9:45 ng umaga kanina ng dumating ang bise presidente sa lugar at matyagang naghintay na makapasok at makaboto.
Samantala, nagpaabot naman ito ng kasiyahan dahil natapos na mapayapa at walang nangyaring masama sa buong panahon ng kampanyahan.
Nilinaw rin nito ang naging dahilan ng kanyang paglipat bilang botante sa Magarao, Camarines Sur mula sa lungsod ng naga, dahil mas tahimik umano ang buhay sa labas ng lungsod at mas nakakapagpahinga rin ito kumpara ng naroon pa ito sa Naga City
Binigyan diin rin nito na hindi dapat matakot ang mga tao na ipaabot ang kanilang mga concern na may kaugnayan sa anomalya na posibleng mangyari ngayong araw ng halalan.
Sa ngayon, hangad na lamang ng bise presidente na wala ng mangyaring ano pa man na untoward incident hanggang sa matapos ang araw na ito at hindi mayurakan ang integridad ng eleksyon ngayong araw.