Photo © web

Inalerto ng oil industry players ang publiko na posibleng tumaas muli ang presyo ng gasolina, diesel, at kerosene sa darating na Martes, Abril 7, kasunod ng patuloy na pag-akyat ng presyo sa global market.

Batay sa unang apat na araw ng trading, patuloy ang uptrend sa presyo ng produktong petrolyo. Ayon sa early estimate, inaasahang tataas ang presyo ng gasolina ng humigit-kumulang P6.20 kada litro, diesel ng P20.00 kada litro, at kerosene ng P13.00 kada litro. Kasama sa presyong ito ang Excise Tax at Risk Premium.

Ipinaalala ng mga observers na ang mga presyo ay maaaring magbago depende sa galaw ng world market. Kung magpapatuloy ang kasalukuyang trend, mararamdaman ng mga motorista at negosyante ang epekto ng dagdag-presyo sa susunod na linggo.

Sa kasalukuyan, ang presyo ng diesel sa Metro Manila ay nasa P134.90 kada litro, gasolina ay P109.90, at kerosene naman ay P104.90. Maaaring mag-iba ang presyo sa ilang gas stations na may promo o discount rate.

Advertisement
Advertisement