NAGA CITY- Sa kabila ng banta ng Coronavirus Disease tuloy parin ang pagdiriwang ng ika-122nd anniversary ng Independence Day sa Plaza Quince Martires, Naga City.
Kung saan isinasagawa ngayon ang pagtitipon ng ilang organisayon na mayroong tema na ‘Mañanita’ na isinonod sa naging kontrobersya na Mañanita ni NCRPO director Police Major Gen. Debold Sinas
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Vince Casilihan, tagapagsalita ng Bayan Bicol, sinabi nito na ginawa nila ang temang ‘Mañanita’, dahil ang ibig sabihin lamang umano nito ay nakagawa ng mali ngunit hindi nakulong.
Ayon kay Casilihan, umaasa sila na ito’y magiging paaraan upang mapansin at marinig ang kanilang panawagan sa pagbasura ng Anti-Terror Bill.
Dahil ito umano ang tamang araw upang iparinig ang boses ng mga mamamayan sa pagbasura ng naturang bill.