NAGA CITY- Nakatakdang magkaroon ng sama-samang panalangin ang mga kasundaluhan sa buong Southern Luzon mamayang alas 3:00 ng hapon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Lt. Col. Dennis Caña, tagapagsalita ng Southern Luzon Command (Solcom), sinabi nitong layunin ng naturang interfaith prayer na ipagdasal ang mga tao na labi na naapektuhan ng coronavirus diseas (COVID-19) at hingiin na matapos na ang nasabing pandemic.
Ayon kay Caña, ang naturang malawakang pagdarasal ang hindi lamang para sa mga Katoliko ngunit tiniyak aniya ng iba’t ibang relihiyon na sasabay sila sa nasabing religious activity.
Inaasahan naman na kasama sa nasabing aktibidad hindi lamang ang mga kasundaluhan ngunit maging ang iba’t ibang frontliners.
Mamayang alas 3:00 ng hapon, sabay-sabay din ang gagawing pagpapatunog ng mga kampana mula sa iba’t ibang simbahan sa Southern Luzon.
Kasabay nito, nanawagan ang army official sa publiko na manatili sa kanya-kanyang mga bahay at mag-ingat para maiwasan ang paglobo ng naturang sakit.Top