NAGA CITY- Maliban sa COVID-19 at African Swine Fever, tinututukan na rin ngayon ng mga otoridad sa Camarines Sur ang sakit na Meningococcemia.
Ito’y matapos mamatay ang isang dalawang taong gulang na batang babae dahil sa nasabing sakit.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Pili Mayor Tom Bongalonta, sinabi nitong mismong mga doktor na sumuri sa bata ang nagkumpirma ng naturang sakit.
Kaugnay nito, agad namang nagsagawa ng contact tracing sa mga taong posibleng nakahalubilo ng nasabing bata at agad na binigyan ng medisina para hindi na kumalat pa ang bacteriang dala ng sakit.
Sa ngayon, nanawagan ang mga otoridad sa publiko na mag-ingat dahil sa panibago na namang sakit na lumitaw sa nasabing lalawigan.