NAGA CITY- Nanindigan ang isang abogado mula sa Ateneo de Naga University na dapat bantayan ng mamamayan ang ikatlong cause of action o pagpawalang bisa sa tatlong probinsya sa ARMM kaugnay ng electoral protest ni dating Sen. Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Atty. Ricky Tomotorgo, sinabi nitong dapat ilaba s ng mamamayan ang kanilang opinyon at iparinig ang boses sakaling hindi na nasa tamang linya ang tinatahak ng Supreme Court na tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET).
Ayon kay Tomotorgo, malaki ang pwedeng maging papel ng mga tao para mabago ang pamamalakad ng Korte Suprema lalo na kung na-iimpuwensyahan na ito ng mga politiko.
Naniniwala kasi ang abogado na hindi malayong maimpluwensyahan ng mga matataas na opisyal ang mga desisyon ng Kataas-taasang hukuman.
Maalalang imbes na desisyunan ang protest, ipinag-utos na lamang ng SC en banc na padalhan ang magkabilang kampo ng kopya ng committee report ng resulta ng bilangan.