NAGA CITY- Naniniwala ngayon ang mamamayan sa United Kingdom na mula ng dumating at naging bahagi si Meghan ang Duchess of Sussex ng Royal Family ay napuno na ito ng kontrobersiya.
Sa ulat ni Bombo Radyo Naga kay Bombo International Correspondent Kate Louise Lañada mula sa Essex, England sinabi nito na hindi lamang ang mga mamamayan sa United Kingdom kundi pati ang mga pinoy na kasalukuyang nakatira na sa England ay inaabangan rin ang mga susunod na mangyayari sa nasabing kontrobersiya.
Ayon dito sa kabila ng maraming tanong ng publiko ay nananatiling tahimik ang Royal Family.
Kung saan kasabay ng pagtutok ng media ay patuloy rin na nakaabang ang buong mundo sa kasagutan ng Royal Family sa naging rebelasyon ni Prince Harry at ng Duchess of Sussex.
Kung maaalala una ng inamin ni Meghan ang rebelasyon sa kilalang TV host na si Oprah Winfrey na naging ugat naman ng pagkagulantang ng buong mundo.
Sa ngayon tanging si Prince William pa lamang ang pinagtanggol ang Pamilya kasunod ng naging rebelasyon ni Prince Harry at Meghan Merkle dahil sa umanoy diskrimasyon.