NAGA CITY- Hindi umano alintana ng mga mamamayan sa United Kingdom an panganib at epekto ng heatwave sa nasabing bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Bombo International News Correspondent Paul Ledesma, mula sa nasabing bansa, sinabi nito na tila nagbunyi pa ang ilang mga residente ng lugar nang maramdaman ang init ng panahon dahil kilala ang UK bilang malamig na bansa.
Aniya, inaasahan na papalo sa 40°C hanggang 41°C ang maitatalang tmperatura sa bansa.
Kung kaya nariyan ang abiso ng pamahalaan at kinauukulan sa publiko na iwasan muna na lumabas kung hindi naman kinakailangan.
Kasama naman sa mga alternatibong paraan na inirerekomendang gawin ng mga residente ay ang pansamantalang pagbukas ng kanilang mga bintana tuwing gabi hanggang hatinggabi upang pumasok ang malamig na temperatuea at isara na lamang ang mga ito kung nararamdaman na ang mainit na temperatura.
Kaugnay nito, kasama sa mga masusing binabantayan ngayon ng health department sa UK ang mga vulnerable sector kagaya ng mga matatanda at mga sanggol.
Ibinahagi rin ni Ledesma na posibleng bumaba na rin ang naitalang phenomena sa bansa sa susunod na mga araw.
Sa ngayon, itinaas na sa Alert Level 4 ang bansa dahil sa naturang kalagayan.
Nabatid na maituturing na umano na may heatwave sa bansa kung makapagtala lamang ng 25°C o kaya 28°C na temperatura.