NAGA CITY- Pinalawak pa ng mga awtoridad sa New York ang manhunt operation upang maaresto ang suspek sa pamamaril sa isang subway station sa Brooklyn.

Mababatis na 10 katao ang tinamaan ng bala ng baril habang ilan naman ang nasugatan matapos ang walang habas na pamamaril ng itinuturing na person of interest sa insidente na si Frank James.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Bombo International News Correspondent Dave Llavanes Jr, sinabi nito na sa ngayon, kritikal pa rin ang kalagayan ng limang indibidwal na nadamay sa insidente ngunit inaasahan naman ang mabilis nitong paggaling.

Dagdag pa ni Llavanes, patuloy rin na ginagamot ang 29 indibidwal kasama na rito ang mga tinamaan ng bala ng baril, nakalanghap ng usok ng tear gas at iba pang karamdaman dulot ng pag-atake.

Samantala, maswerte namang walang binawian sa insidente.

Lumalabas naman sa imbestigasyon na nagpaputok ng 33 bese ang suspek dahilang upang maraming tao ang nadamay sa insidente.

Kaugnay nito, pinag-iingat naman ng Phil Consulate sa New York ang mga OFWs sa nasabing lugar.