Tiniyak ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nananatiling sapat ang suplay ng pagkain, petrolyo, at fertilizer sa bansa sa kabila ng umiiral na tensiyon sa pandaigdigang merkado.

Ayon sa Pangulo, nananatili ring normal ang presyo ng mga pangunahing bilihin at produktong petrolyo kumpara sa mga nakaraang linggo. Aniya, patuloy ang pakikipagtulungan ng mga vendor upang mapanatili ang presyo, kaya’t hindi na kailangang mag-hoard o mag-panic ang publiko.

Binigyang-diin din ni Pangulong Marcos na ang pangunahing hakbang ng pamahalaan upang matulungan ang mga Pilipino—kabilang ang mga driver—ay panatilihing matatag ang presyo at suplay ng langis.

Dagdag pa ng Punong Ehekutibo, may kapangyarihan ang gobyerno na galawin ang excise tax sa fuel kung kinakailangan upang mapagaan ang gastos ng publiko, ngunit ito ay nakadepende pa rin sa galaw ng pandaigdigang merkado.

Advertisement

Layunin ng pamahalaan na mapanatiling stable ang sitwasyon upang hindi maapektuhan ang kabuhayan ng mga ordinaryong Pilipino.

Advertisement