NAGA CITY- Sinimulan na ang market on wheels sa lungsod ng Naga para sa mga barangay na malayo sa mga supermarket.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Mon Florendo, Chairman ng Market Enterprise and Promotions Office (MEPO), sinabi nito na parte ng nasabing hakbang ay upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan at hindi na kailangan pa na magpunta sa merkado publiko.

Ayon kay Florendo, ng mga nakaraang araw, dahil sa panic buying, nahirapan sila na kontrolin ang mga tao at hindi naiwasan ang social distancing.

Noong nkaraang araw lamang ng sinimulan na ito sa Bagumbayan Norte at naging matagumpay ang unang araw ng programa.

Ilang mga mga nagtitinda umano ng mga gulay at isda ang naki-isa sa programa at mabilis na naubus ang kanilang mga dalang paninda.

Inaasahan naman na maipapagpapatuloy pa ang nasabing programa sa ngayong linggo at sa mga susunod pa. Ngunit magpapatuloy muna umano ang kanilang assement para mas mapaganda pa ang kanilang programa.