Photo © web

CAMSUR – Nirereklamo ngayon ng mga residente sa San Agustin, Canaman, Camarines Sur ang marumi at kulay kalawang na tubig.

Kaugnay nito, ipinaliwanag ng Metropolitan Naga Water District ang kanilang tugon sa mga reklamo ng mga residente sa San Agustin, Canaman, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Choppy Dy. Sinabi ni Liancco Dela Cruz , Public Relations Officer ng MNWD, sinabi nito na dati na silang ng interconnection sa ginagawang loop, binuksan nila ito kaya tumaas ang pressure ng tubig na kailangan lang ng flashing.

Ayon kay Dela Cruz, isolated ang nasabing barangay, at hindi na isang barangay na umaasa lamang sa San Agustin Reservoir.

Advertisement

Dagdag pa nito, na ang pinakamahalagang bagay na dapat gawin kapag may problema sa tubig ay iulat ito kaagad upang maipadala ang isang flashing team.

Sa ngayon, tiniyak ng opisyal na hindi nila pinababayaan ang mga ganitong problema sa tubig sa kanilang lugar, at asahan ng mga nasasakupan na mareresolba kaagad ang mga ganitong problema

Aniya, kailangan lang nilang kumalma at matutong magpasensya, dahil hindi naman umano lahat ng bagay na kontrolado ng kanilang opisina.

Advertisement