NAGA CITY- Nanawagan ngayon si Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo “Pido” Garbin sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na salaing masyado ang lahat

na pumapasok sa bansapara maiwasang kumulat na rin dito ang sakit na Novel Coronavirus.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Garbin, sinabi nito na dapat magsagawa ang mga kaukulang ahensya ng mas pinahigpit na hakbang para

maiwasang may makapasok pang mga taong posibleng nahawaan ng sakit lalo na ang mula sa China.

Aniya, mas kailangan ngayon ang paghihigpit para maiwasan na maapektuhan ang mga Pinoy ng naglalalang kaso ng naturang sakit sa ibang mga

bansa.

Kung maaalala, ilang mga indibidwal na rin ang patuloy na inoobserbahan ngayon sa bansa dahil sa banta ng naturang sakit.