NAGA CITY- Sisimulan na ngayong linggo ang mass testing sa Calauag, Quezon, kaugnay parin sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine dahil sa patuloy na pagkalat ng Coronavirus diseae o COVID-19.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Grace Santiago, Quezon Provincial health officer, sinabi nito na mayroon umanong proclamation ang National Officers tungkol sa nasabing mass testing sa lugar.
Ayon dito, umaasa sila sa mga tips mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM). Kung saan nilinaw naman nito na uunahin ng ahensya ang mga high index of suspicion.
Samantala, mayroon narin umanong nakahandang mga eskwelahan na pwedeng gamitin bilang isolation facilities upang hindi mapuno ang mga ospital, lalo na at marami na sa lugar ang naka-quarantine na mga healthworkers.
Sa ngayon, umaabot na sa 20 ang kabuuang numero ng mga covid-19 confirmed cases habang 4 naman dito ang namatay.