NAGA CITY- Ikinabahala ng isang Italyano ang nangyaring massive attacks sa ilang supermarket sa Italy.
Ito’y kaugnay ng nangyaring panic-buying sa lugar dahil pa rin sa lumalala at dumaraming positibong kaso ng Novel Coronavirus (COVID-19) sa nasabing bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay Fausto Melosu, isang Italian National na nagtatrabaho sa isang supermarket sinabi nitong ito na umano ang pinaka-weird niyang karanasan sa kanyang buhay.
Ayon kay Melosu, gabi gabi nangyayari ang refilling ng mga eskaparate ng mga supermarkets subalit kinaumagahan halos wala nang matira rito kahit isang paninda.
Subalit aniya wala naman silang magagwa kahit delikado, nagsusuot na lamang silang protetive gloves para makapaglagay ng panibagong supplies para sa lahat ng mga nangangailangang tao sa lugar.
Samantala ayon pa kay Faustino, mananatili siyang positibo na malalampasan ng Italya ang kalbaryo ng nasabing sakit.
Kung maaalala, pumalo na sa mahigit 12,000 katao ang nagpositibo sa COVID-19 sa nasabing bansa na maikokonsidera bilang ikalawa sa may pinakamaraming kaso sunod sa China kung saan pinaniniwalaang nag-originate ang nasabing sakit.