NAGA CITY- Patuloy na nararanasan ang mabigat na trapiko sa may bahagi ng Andaya Higway sa bayan ng Lupi, Camarines Sur.

Ang nasabing sitwasyon ay ilang araw ng nararanasan ng mga biyahero kung kaya hindi maiwasan na magreklamo ang mga naiipit sa daan.

Ang dating isang oras kalahati na biyahe mula Lupi papuntang Naga City ay umabaot na ngayon sa 5 hanggang anim na oras habang ang mga bumabiyahe naman mula Bicol at Visayas na papuntang Metro Manila umaabot na ngayon sa 3 oras.

Kaugnay nito, ang tinitingnan na dahilan sa nasabing sitwasyon ay ang mga sirang kalsada at widening projects.

Butas at bako-bako ang daan habang mayroon naman na one way lang na pwedeng daanan.

Ayon sa DPWH, naiintindihan nila ang abalang dulot ng traffic dahil sa mga ginagawa sa kalsada ngunit kailangan umano ito upang matiyak din ang kaligtasan ng publiko.

Sa ngayon, hangad na lamang ng nasabing opisina ang kooperasyon at pag-iintindi kaugnay pa rin ng nasabing problema.