Inaasahan ang maulap na papawirin at panaka-nakang pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa ilang bahagi ng bansa ngayong Martes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa inilabas na 4 a.m. public weather forecast, sinabi ng PAGASA na umaabot sa Northern at Central Luzon ang ridge ng high pressure area (HPA), na binubuo ng malamig at tuyong hangin.

Dahil dito, napipigilan ang pagbuo ng malalaking ulap na karaniwang nagdudulot ng malawakang pag-ulan sa nasabing mga lugar.

Gayunpaman, posibleng makaranas ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ng localized thunderstorms na magdudulot ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan, kasama ang kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.

Advertisement

Samantala, makararanas ang Northern at Central Luzon at ang nalalabing bahagi ng bansa ng mahina hanggang katamtamang lakas ng hangin, at banayad hanggang katamtamang kondisyon ng karagatan.

Pinapayuhan naman ng PAGASA ang publiko na manatiling alerto laban sa posibleng biglaang buhos ng ulan at thunderstorms, lalo na sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng localized weather disturbances.

Advertisement