Patuloy ang lava effusion, pyroclastic density currents (PDCs), at minor strombolian activity sa Mayon Volcano nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), habang nananatili ang Alert Level 3 sa bulkan.

Naobserbahan ang aktibidad alas-10:39 ng gabi nitong Marso 11, 2026, habang nagpapatuloy ang effusive eruption sa ika-65 magkakasunod na araw. Ayon sa PHIVOLCS, ang bulkan ay patuloy na naglalabas ng incandescent lava flows, PDCs o “uson”, at rockfalls.

Iniulat rin ang lava flow sa Basud (3.8 km), Bonga (3.1 km), at Mi-isi (1.3 km) gullies, kasabay ng minor episodic strombolian activity. Naitala ang 202 volcanic earthquakes, 361 rockfall events, at 14 PDC signals.

Mayroon ding crater glow na nakitang “fair” at nakikita ng hubad na mata, habang ang plume ay umabot sa 750 metro sa itaas ng crater at tinangay ng hangin patungong timog.

Advertisement

Ayon sa PHIVOLCS, nananatiling inflated ang edifice ng bulkan, at nakapagtala rin ng 3,551 tonelada ng sulfur dioxide emission noong Martes. Pinapayuhan ang publiko na huwag pumasok sa 6-km Permanent Danger Zone.

Advertisement