NAGA CITY- Pinaghahandaan na ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa bayan ng Ragay, Camarines Sur ang paparating na La Niña sa bansa.

Sa nagin panayam ng Bombo Radyo Naga kay Neopito Tipay Jr., MDDRMO Officer sa Ragay, sinabi nito na patuloy pa ang kanilang preparasyon pagdating sa basic life support ng mga rescuers, mga trainings para sa mga ito upang muling mahasa at marefresh ang kanilang mga skills dahil sa inaasahan na mga pag-ulan at pagbaha.

Maliban pa dito, ang pagpapalakas at pagbabahagi ng mga impormasyon sa mga barangay tungkol sa mga dapat gawin sakaling tumama ang kalamidad. Ito ay sa paraan ng mga trainings na isasagawa ng MDRRMO. Sila kasi umano ang magiging first responders sakaling mayroong kailangan ng tulong.

Samantala, nasa tatlo hanggang apat na lugar rin ang regular na binabaha sa kanilang bayan na mas binigyan nila ng pansin.

Kaugnay nito, kadalasan rin na hinihingi na tulong ng mga residentes na naapektuhan ng pagbaha ay mga pagkain at lugar na lilipatan sakaling kailangan lumikas.