NAGA CITY – Papahabain pa hanggang Hulyo 15, 2021 ang Modified Enhanced Community Quarantine sa Naga City.
Ito’y matapos na aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng COVID-19 Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na ilagay sa MECQ simula Hulyo 1-15, 2021 ang ibang bahagi ng Pilipinas kasali na ang lungsod ng Naga.
Mababatid na una ng inilagay sa nasabing quarantine clasiffication ng lungsod noong Hunyo 16 na posibleng matapos sana sa Hunyo 30, 2021 dahil pa rin sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Kaugnay nito, mahigpit naman ang ipinapatupad ang mga health protocols sa Naga City sa ilalim ng nasabing direktiba.
Samantala, lumubo pa sa 17,602 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa rehiyong Bicol dahil pa rin sa nagpapatuloy na pandemya.Top