Papalawigin pa hanggang Hulyo 15, 2021 ang Modified Enhanced Community Quarantine sa Naga City.

Ito’y matapos aprubahan ni Presidente Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng COVID-19 Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na ilagay sa MECQ simula Hulyo 1-15, 2021 ang ibang bahagi ng bansa kasama na ang lungsod ng Naga.

Kung maaalala una nang inilagay sa naturang quarantine clasiffication ang nasabing lungsod noong Hunyo 16 na nakatalaan sanang matapos sa Hunyo 30, 2021 dahil pa rin sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Kaugnay nito, mahigpit pa ring ipapatupad ang mga health protocols sa Naga City sa ilalim ng nasabing kautusan.

Advertisement

Samantala, sumirit na sa 17,490 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa rehiyong bicol dahil pa rin sa banta ng nakamamatay na sakit.

Advertisement