NAGA CITY- Pinawi ngayon ng Rural Health Unit ng Pili, Camarines Sur ang pangamba sa publiko sa banta ng Meningococcemia maging ng Novel Coronavirus sa Camarines Sur.
Ito’y kaugnay ng nagsilabasang mga balita na mayroong isang batang umano’y namatay sa Bicol Medical Center dahil sa Meninggococemia.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Rafael Salles head ng RHU-Pili, sinabi nitong sa ngayon wala pa namang kumpirmadong kaso ng naturang sakit sa naturang lugar.
Ayon kay Salles, sa ngayon patuloy ang kanilang imbestigasyon habang hinihintay pa ang confirmatory test hinggl sa totoong ikinamatay ng bata.
Samantala sa hiwalay na panayam sa Barangay Captain ng Brgy. Caroyroyan Pili na si Jerry Canave, nanawagan ito sa publiko na maging sensitibo sa pagpost ng mga sensitibong impormasyon o fake news sa social media.
Kung maaalala, kahapon ng unang lumabas ang balita mula sa mga text messages at posts sa social media hinggil sa umano’y namatay sa Camarines Sur dahil sa nasabing mga sakit habang meron na din umang kaso ng coronavirus sa naturang lalawigan.