NAGA CITY- Kasalukuyang boluntaryong tumutulong ang isang organisasyon at medical ship sa pagbibigay ng asistensiya medikal sa Papua New Guinea.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Ramon Sanchez Jr., chief engineer sa nasabing barko sinabi nitong nagbibigay sila ng medical support sa mga local people na nakatira sa mga liblib na lugar na hindi madalas mapasok ng mga medical staff.

Kasama aniya sa tulong medikal na kanilang ibinibigay sa mga tribal people ay ang dental at libreng eye operation.

Samantala, nilinaw naman nito na hindi naman aniya apektado ang kanilang kabuhayan sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Aniya, malaya namang nakakalabas ang kanilang cook at steward para bumili ng pagkain pero ang karamihan sa kanila ay hindi pinapayagang lumabas dahil sa lockdown.

Sa ngayon, naka-dock muna aniya sila dahil pansamantalang inaayos ang kanilang barko.

Samantala, natapos na aniya ang kanilang naturang medical mission nung unang linggo pa ng Marso.