NAGA CITY – Nakatalaan nang ipasara ang mega vaccination site sa lungsod nin Naga para ihanda sa mas malalaki pang aktibidad sa mga susunod na araw at buwan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Naga City Mayor Nelson Legacion, sinabi nito na ipapasara na nila ang Jesse M. Robredo (JMR) Coliseum at aayusin na para sa paghahanda sa Peñafrancia festival.

Ayon sa alkalde, isasagawa na lamang ang pagbabakuna sa iba’t-ibang mga mall at mga barangay sa lungso para mas mahimok ang mga mamamayan na magpabakuna.

Sa ngayon, malaking problema pa rin kasi ang mababang bilang ng mga nagpapabakuna na nag-eedad 5-11 anyos.

Kaugnay nito, patuloy din ang panawagan ng opisyal sa mga mamamayan na magpabakuna na lalao na ang mga eligible nang makapagpaturok ng booster shots para na rin sa proteksyon ng bawat mamamayan.