NAGA CITY-Balik kulungan ang isang tumakas na preso matapos itong madakip ng mga otoridad sa BrgyPoblacion, Pio V Corpuz, Masbate.

Kinilala ang suspek na si Sonny Boy Guzman, 18 – anyos.

Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Naga mula sa PNP- Bicol, napag-alaman na naaresto ang suspek sa pamamagitan ng hot pursuit operation ng mga kapulisan.

Narekober sa suspek ang isang unit ng caliber 22 magnum na may tatlong live ammunitions same caliber.

Ang nasabing suspek tumakas sa Palanas Municipal Police Staion Custodial Facility noong nakaraang Agusto 27, 2019.