NAGA CITY- Patay ang isang menor de edad matapos na mabundol ng isang sasakyan sa Labo, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima alyas “Lyn”, 14-anyos, residente ng Purok 3, Barangay Daguit, Labo, Camarines Norte.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabaybay ng suspek na kinilalang si Vincent Joseph Pantua, 32-anyos, residente ng nasabing lugar, ang direksyon mula sa Sta. Elena papunta sa Talisay sa nasabing lalawigan gamit ang minamaneho nitong saksakyan ng bigla na lamang aniyang tumawid sa kalsada ang biktima at aksidente itong nabundol.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napbatid na nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital ngunit idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.