NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang menor de edad na babae matapos magpatiwakal sa Tayabas, City.

Kinilala ang biktima na si alyas Manilyn, residente ng Ibabang Ilasan, sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na pasado ala-1:50 ng umaga kahapon, Agosto 19, 2024 ng matagpuan ni Alyas Denver, 16-anyos ang katawan ng biktima na nakabigti sa isang punong-kahoy na mayroong 10 hanggang 15 metro an layo sa kanilang bahay.

Kaugnay nito, wala naman umanong nakitang foul play ang mga otoridad sa nasabing insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan patungkol sa nasabing pangyayari.