NAGA CITY – Patay ang isang menor de edad matapos malunod sa isang resort sa Tinambac, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSgt. Jeffrey Mediario, Assistant PCAD ng Tinambac Municipal Police Station, sinabi nito na habang naliligo umano ang bata sa mababaw na bahagi ng swimming pool nang bigla na lamang itong nawala.
Ayon pa sa opisyal batay sa kanilang isinagawang imbestigasyon, iniwan umano ito ng kaniyang nanay mababaw na bahagi ng swimming pool para uminom ng tubig ngunit nang nang bumalik ito, hindi na nito nakita ang anak.
Matapos ang ilang minuto, nagdesisyon na ang management nang nasabing resort na sisirin na ang swimming pool.
Kaugnay nito, nang makita na ang katawan nang bata, agad itong binigyan ng paunang lunas ng kaniyang mga kamag-anak at dinala sa ospital para sa asistensiya medikal.
Ngunit sa kasamaang palad, idineklara rin itong dead-on-arrival ng mga doktor.
Samantala, ang nasabing insidente ang unang pagkakataon na may nalunod at namatay sa nasabing bayan.
Sa ngayon, paalala na lamang ng opisyal sa lahat ng mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak habang naliligo para makaiwas sa anumang insidente.