NAGA CITY- Patay ang isang menor de edad matapos makuryente sa Naga City.
Kinilala ang biktima na isang 17-anyos, residente ng Zone 2 Barangay Mabolo, sa nasabing lungsod.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, nabatid na umakyat umano ito sa bubong ng bahay ng kaniyang pinsan at aksidenteng nahawakan ang isang livewire.
Kaagad namang lumabas ang 49-anyos na pinsan ng biktima nang makarinig ng pagsabog at dito na tumambad ang nakahandusay nang biktima.
Kaugnay nito, nadala pa sana sa ospital ang biktima ngunit idineklara nang dead on arrival ng mga doktor.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.