NAGA CITY- Sugatan ang isang sarong menor de edad matapos na masagi ng isang sasakyan Brgy. Magsaysay, Infanta Quezon.

Kinilala ang biktima na isang 8-anyos, residente ng Purok Antipolo Brgy. Gumian, Infanta, Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nasagi ng sasakyan ng pinagmamaneho ni Ramon Castillo, 62-anyos residente ng Roses St. Lourdes Subd.Brgy. Mambugan, Antipolo, City ang biktima habang naglalaro sa gilid nang daan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dahil sa insidente nagtamo ng sugat sa kanyang kanyang katawan ang biktima na agad naman ng dinala sa pagamutan para sa asistensya medikal.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.