NAGA CITY-Napagkatuwaan ngayon nga mga netizens ang mga hugot lines ng Philippine National Police kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Pstaff Sgt Emyrose Organis, Spokeperson ng Libmanan PNP sinabi nito na una umanong naisip ang nasabing pakulo ng mga nasa traffic section bilang mensahe nila sa mga motorista ngayong Araw ng mga Puso.
Ayon kay Organis, dahil umano sa araw-araw nalang na pagdedesiplina nila sa mga pasaway na mga motorista kaya naisipan ng mga nasa traffic section na idaan na lamang sa mga hugot lines ang kanilang mensahe.
Nakasulat ang mga ito sa isang colored cartolina na makikita sa harap ng himpilan ng kapulisan.
Kasama sa mga patok na linya ang “Yakap ay di sapat, helmet isuot dapat” at “mag drive lang ng tama di mo magawa, ang mag mahal pa kaya”.
Maliban dito, namigay din ang mga kapulisan ng mga pulang rosas sa mga magulang na napapandaan sa kanilang lugar.