NAGA CITY – Inaasahan ng mga mga Amerikano na aatras si US President Joe Biden sa presidential race sa darating na halalan sa US.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Virgie Contreras mula sa San Francisco, California, sinabi nitong matapos ipahayag ni dating US President Donald Trump na si Senator JD Vance ang magiging runningmate nito sa eleksyon, tumaas ang kanyang political campaign donation.
Naging maayos naman aniya ang kanyang kampanya dahil sa mabilis niyang pagkalap ng pondo.
Sa kabilang banda, pagkatapos ng debate ni Biden kay Trump, walang gaanong pondo para sa kanyang kandidatura. Kung saan, ito ay isang indikasyon na humina ang suporta sa kanya.
Nagdala ito ng pangamba sa panig ng mga Democrats na nagresulta sa kanilang panawagan na umatras na ang pangulo sa kanyang kandidatura.
Bilang resulta ng kanyang pag-withdraw, pinalitan siya ng kasalukuyang bise presidente ng US na si Kamala Harris, kung saan sa loob lamang ng dalawang araw ay nakalikom ito ng 2-M dollars para sa kanyang political funding.
Dagdag pa ni Contreras na saludo sila sa naging desisyon ni Biden na nagpapakita lamang ng kanyang political maturity, matapos nitong bigyang-daan ang mas bata at mas malakas na kalaban ni Trump sa halalan.
Ayon pa dito, kung sakaling ipinagpatuloy ni Biden ang kanyang kandidatura, maaaring hindi siya makatanggap ng suportang pinansyal mula sa political funding, at posibleng lumala pa ang kanyang kalusugan.
Sinamantala rin ni dating US President Trump ang kanyang kakayahang mag solicit at lumikha ng mga sitwasyon para makakuha ng simpatiya at tulong mula sa ibang tao.