NAGA CITY – Nakaalerto na ang ilang bayan sa probinsya ng Camarines Sur dahil sa banta ng pananalasa ng Bagyong Auring.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Rodel V. Dela Cruz ng Caramoan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, sinabi nito na naka stand by na aniya dila dahil isa umano ang kanilang lugar sa isinailalim na sa Tropical wind signal no. 1 sa buong probinsya.
Ayon kay dela Cruz, pinagbabawal na rin ang pagbyahe o pagpalaot ng ano mang uri ng sasakyang pandagat.
Kaugnay nito kasalukuyan ngayong tinutukan ng lokal na gobyerno ng nasabing bayan ang mga lugar na kinokonsiderang nasa high-risk areas.
Dagdag pa nito, naka stand by na rin umano ang mga sasakyan na pwedeng gamitin sa pag-rerescue at pag-ievacuate sa mga residente kung kinakailangan.
Sa ngayon, nanawagan si dela cruz sa mga mamamayan na maging alerto at ipag-bigay alam agad sa kanilang tanggapan ang mga posibleng sitwasyon na kanilang mararanasan.