NAGA CITY- Activated na umano ang mga Barangay Health Emergency Response Team sa lalawigan ng Quezon.
Ito’y bahagi parin ng paghahanda at preventive measures ng lokal na gobyerno ng lalawigan lalo na at may naitalang limang Persons Under Investigation dahil sa banta ng sakit na novel coronavirus.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Grace Santiago, Provincial Health Officer ng Quezon, sinabi nitong sa ipinalabas na memorandum ng LGU-Quezon itinalaga nito ang Department of Interior and Local Government DILG sa monitoring ng nasabing response team.
Ayon kay Santiago, layuhin nitong magkaroon ng lecture at information dessimination sa publiko kung paano makakaiwas at mapipigilan ang pagkalat ng nasabing sakit.
Aniya, handa naman sila sa anumang pwedeng mangyari lalo na ngayon na may naitala ng PUI sa lugar.
Una nang sinabi ni Santiago na dumating na ang resulta sa eksaminasyon sa mga ito ngunit hinihintay pa ang desisyon ng DOH kung kailan pwedeng isapubliko.