NAGA CITY- Kaniya-kaniyang post na lamang sa social media ng kanilang throwback picture ang mga Bicolano kaugnay ng Peñafrancia Festival dahil hindi ito matutuloy dala ng COVID-19 pandemic.

Ngayong araw sana kasi ang pagdagsaan ng milyong deboto ni Nuestra Sra. De Peñafrancia mula sa iba’t-ibang lugar para sa fluvial procession.

Sa kabila nito, kahit bukas pa ang araw ng kapistahan, mas pinahigpit pa rin ng mga otoridad ang kanilang security measures.

Kung maaalala buwan pa ng Hunyo ngayong taon nang kanselahin ang Traslacion, Fluvial Procession at iba pang malalaking aktibidad para sa Peñafrancia Festival.