NAGA CITY- Arestado ang isang lalaki matapos magtransport ng mga isda na pinaniniwalaang ginamitan ng pampasabog sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur.
Kinilala ang suspek na si Zosimo Tejares Boñaga, 55- anyos, residente ng Diamond St., Brgy. Calauag, Naga City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMAJ Gary Mangente, hepe ng Tinambac PNP, sinabi nitong nakatanggap umano sila ng report mula sa Brgy. Tamban Tinambac sa nasabing lalawigan hinggil sa mga binabiyaheng isda na pinaniniwalaang ginamitan ng isang klase ng pampasabog.
Sa inisyal na imbestigasyon, ayon kay Mangente positibong binomba ang isdang nakuha sa suspek na nasa dalawang kahon ng styro foam na may lamang halos 70 kilos ng dalagang-bukid na isda na nagkakahalagang P7,000 na nakatakda sanang ideliver sa Naga City.
Kaugnay nito, agad naman itong tinurn-over sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) upang maexamine habang dinistribute naman ang iba sa mga indigent families.
Sa ngayon, nasa kustodiya naman ng mga otoridad ang suspek subalit ayon dito, driver lang umano siya at ipinadala lamang sa kanya ang mga isda.
Sa kabila nito, sinampahan pa rin ng kaso ng mga otoridad ang nasabing lalaki