NAGA CITY – Halos 100% ng handa ang mga komitiba ng Naga City para sa Peñafrancia Festival 2023.
Maliban kasi sa augmentation ambulaces na may kabuohang dalawamput-apat at ng Medical Team na mula pa sa iba’t ibang bayan na katabi ng lungsod, inasahan rin ang 1,200 augmentation forces ng Philippine National Police, Philippine Navy, Bureau of Fire Protection, Public Safety Office at force multipliers mula sa mga paaralan at barangay.
Sa naging pagharap sa mga kawani ng media ni Dr. Joey Blasco, OIC ng Medical Health Cluster, sinabi nitong mas marami ang augmentation personnel tulad na lamang ng mga medical team ang aasahan nganyong Peñafrancia Festival kumpara noong nakaraang taon dahil nasa restricted celebration pa noon dahil na rin sa pandemnya.
Aniya, ang bawat ambulansya ay magkakaroon ng kaniya-kaniyang grupo, designation at kaniya-kaniyang ruta upang mabilis na maihatid ang pasyente sa pagamutan kung may mangyari mang hindi inaasahan.
Samantala, ipapatupad naman ng JOC Security Cluster ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang rerouting plan upang maiwasan ang pagdagsa ng mga sasakyan sa loob ng lungsod dahil na rin sa malalaking events sa pyesta.
Base sa rerouting plan ng Department of Public Works and Highways, ang mga sasakyang mula sa Albay na hindi naman kailangan pang pumasok sa lungsod dahil wala namang aniyang sadya ay pinanaliko na ito sa bayan ng Nabua o Pili, Camarines Sur bago makarating sa Naga.
Gayundin sa mga galing pa sa Manila sa kaparehong dahilan ay inaabisohan rin na lumiko nalang sa bayan ng San Fernando o Milaor, Camarines Sur at baybayin ang mga alternatibong daan upang maiwasan na pumasok pa sa lungsod.
Sa kabilang dako, patuloy rin ang imbestigasyon ng PSO at PNP sa mga sumbong ng harassment na pinopost sa social media noong Agosto.
Pakiusap na lamang ni Naga City Mayor Nelson Legacion na makipagtulongan sa mga awtoridad at wag gagamitin ang social media upang magresulta ng pananakot o pangamba na wala namang katotohanan lalo na sa inaasahan na rin na pagdagsa ng mga tao sa lungsod.