NAGA CITY- Ipinag-utos ngayon ng gobernador ng lalawigan ng Camarines Sur ang mandatory home quarantine para sa mga konsehal na dumalo sa Philippine Councilor’s League Convention noong nakaraang buwan.
Sa ipinaabot na impormasyon ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte, sinabi nitong layunin nitong maiwasan na may maitalang kaso ng coronavirus disease matapos mag positibo ang isang konsehal mula sa Tayasan Negros, Oriental na dumalo sa nasabing aktibidad.
Ayon dito, marapat lamang na maging isang halimbawa sa mga mamamayan ang mga opisyal ng gobyerno sa pagsugpo sa pagkalat ng nasabing sakit.
Isasailalim sa mandatory home quarantine sa loob ng 14 araw ang nasabing mga opisyal bilang bahagi ng ipinapatupad na strict preventive measures laban sa local transmission ng COVID-19 sa probinsya.
Samantala tiniyak naman ng mga otoridad na wala pang positibong kaso ng nasabing sakit sa lalawigan.