Naghahanda na ang mga lingkod-simbahan ng St. Joseph the Worker Parish para sa gaganaping Easter Vigil mamayang gabi, kasunod ang tradisyunal na Salubong bilang bahagi ng pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Hesukristo.
Ayon sa pamunuan ng parokya, puspusan na ang kanilang paghahanda upang matiyak ang maayos at makabuluhang pagdaraos ng mga aktibidad na inaasahang dadaluhan ng maraming deboto.
Maaga ring nagpahayag ng pasasalamat ang parokya sa lahat ng mga tumulong at nagboluntaryo, na naglaan ng oras at pagsisikap upang maisakatuparan ang selebrasyon.
Patuloy namang hinihikayat ang mga mananampalataya na makiisa sa mga gawain ng simbahan bilang bahagi ng pagninilay at pagdiriwang ngayong Semana Santa.
Advertisement
Advertisement














