NAGA CITY – Kasabay ng enchanced community quarantine muli na namang naitala ang African Swine Fever (ASF) sa ilang barangay sa Naga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Naga City Veterinarian Dr. Junius Elad sinabi nito na sinimulan nang muli ang pagsasagawa ng culling operation sa dalawang barangay sa lungsod.

Ayon kay Elad, nauna na ang barangay Carolina na tinayang mayroong 200 na mga hog raiser ang apektado, habang mamayang gabi naman ay isasagawa sa barangay San Felipe ang culling operation kung saan tinatayang anim na hog raiser din ang maapektohan ng nasabing operasyon.

Ngunit ayon kay Elad sa ngayon nahahati sa tatlong lugar ang 1 km radius zone na binabantayan.

Kasama rito ang Barangay Carolina, bayan ng Calabanga at Bombon Camarines Sur.

Sa ngayon nakikipagugnayan na aniya ang ASF Task force Naga sa mga bayan na posibleng maapektohan ng nasabing virus.