NAGA CITY- Pinawi ngayon ng Philippine Army ang pangamba ng publiko matapos ang nangyaring disposal ng mga lumang bala, landmines at
Improvised Explosive Device IED sa Brgy. Lanipga, Bula, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Maj. Gerjim Dimalibot, Officer-in-Charge ng Division Public Affairs Office ng 9th Infantry Division, Philippine
Army, sinabi nitong mga luma at pasong kagamitan na ng mga ito kaya hindi na pwedeng mapakinabangan pa.
Ayon kay Dimalibot, ibinaon ito ng malalim na hindi basta mahuhukay ng sinumang magkakainteres.
Aniya, coordinated din ang lahat ng mga ito sa lokal na pamahalaan ng Bula maging sa mga Barangay Officials sa lugar.
Samantala, ayon kay Dimalibot ang naturang mga dinispose na mga kagamitan ang mula pa sa mga narekober sa mga rebeldeng grupo.Top