NAGA CITY- Hinikayat ng isang opisyal ng NIA-Bicol ang mga magsasaka sa Bicol Region na maging handa sa mga hindi inaasahang pinsala dulot ng mga natural phenomenon.
Sa naging pagharap sa mga kawani ng media ni Engr. Gaudencio De Vera, NIA-Bicol Regional Manager, sinabi nito na ang natural phenomenon tulad ng El niño at La Niña ay hindi talaga maiiwasan na nakakaapekto sa mga pananim ng mga magsasaka ngunit ang pagiging handa ay makakatulong na mabawasan ang pinsal sa kanilang mga pananim.
Aniya, mayroon ng mga equipment kagaya na lamang ng Harvester na makakatulong upang mapadali ang pag-ani ng kanilang mga pananim gaya ng palay lalo na kapag may banta ng masamang panahon.
Maliban pa dito, ang backhoe rin ay ginagamit lalo na sa mga lugar na kinokonsidera na flooding areas.
Sa ngayon ay mayroon silang 8 backhoe at mga harvester na mula sa Department of Agriculture. Ngunit umaasa si De Vera na madadagdagan pa ang mga equipment na ito lalo na sa Region 5 upang masiguro na may gagamitin ng kanilang mga magsasaka at upang madagdag rin ang ektarya na mapagkukunan ng produksyon ng palay sa ilalim ng contract farming.