NAGA CITY- Malaki ang pasasalamat ng isang miyembro ng LGBTQIA+ community sa ipinapakitang suporta ng LGU-Naga sa kanilang selebrasyon ng Pride Month ngayong buwan ng Hunyo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Raye Milli Imperial, Miss Gay Bicolandia President, sinabi nito na malaking bagay sa kanila ang Pride Month dahil nagsisilbi itong patunay na sila ay nag-eexist sa komunidad.
Ayon pa kay Imperial, sentro ng selebrasyon ang pag-alala sa diversity at exclusivity ng mga miyembro ng nasabing grupo gayundin ang pagtulak sa pagrespeto at pagkakapantay sa buong mundo.
Kaugnay nito, isa sa mga ipinaglalaban ng kanilang grupo ang pagkukusa ng isang indibidwal na maging totoo sa kanilang sarili na hindi ipinipilit at walang presssure mula sa mga kapwa miyembro ng LGBTQIA+ community.
Ngayon na taon mayroong mga nakalinyang aktibidad ang LGU-Naga at kanilang grupo para sa selebrasyon ng Pride Month at isa sa pinaka-highlight ang pagsasagawa ng Pride March sa Naga City na isasagawa mula sa Panganiban at magtatapos sa Plaza Quezon.
Samantala, bukas naman sa lahat na gustong makiisa ang nasabing aktibidad kailangan lamang na makipag-ugnayan sa kanilang grupo.