NAGA CITY- Umakyat na sa 77.34% o 1,649 na mga empleyado ang mga nabakunahan na laban sa COVID-19 sa Bicol Medical Center sa lungsod ng Naga.
Sa datos na ipinalabas ng BMC, nabatid na may kabuuang 2,132 na empleyado ang nasabing ospital.
Kaugnay nito, simula nang pag-rollout ng vaccination laban sa COVID-19 sa ospital noong Marso 8, 2021, 25.28% o 539 na empleyado ang nagpabakuna ng SinoVac, at 52.06% o 1,110 naman ang pinili an AstraZeneca.
Samantala sa ngayon, nasa 22.66% o 483 na mga empleyado ang mas piniling huwag magpabakuna.
Kung maaalala, unang natanggap ng BMC ang COVID-19 vaccine na SinoVac habang 422 vials naman ng COVID-19 Vaccine na AstraZeneca mula sa Department of Health-Bicol.